OPENING STATEMENT:
Again, to all our resource persons invited, maraming salamat sa inyong pagdating at ito’y nagpapakita na talagang gusto niyong tumulong na maresolba itong problema ngayon na ating nakikita.
So for my opening statement, I just would like to say that itong e-sabong is a multibillion-peso industry pero alam natin, sa lahat ng mga stakeholders dito sa e-sabong, kahit na gaano kalaking pera mawawala sa inyo, ang pera po ay marerecover ‘yan. Pero yung buhay ng mga nawawala ngayon as, for the record, according to official records of the PNP, meron na silang 31 na missing persons. So itong buhay ng 31 na missing persons na ito ay hindi na maibabalik kung ito’y inyong kinitil na.
Kaya doon sa mga suspects o suspect, kung sinong gumawa nitong krimen na ito, I just hope na kung buhay pa ‘yung mga kinidnap ninyo, tinago ninyo, sana i-release na ninyo para makabalik sa kanilang pamilya.
At kung sa siya namang palad ay ito’y namatay na, eh sana naman bilang isang Kristyano or bilang kung kayo’y hindi Kristyano, sana tulungan naman ninyong ma-recover ‘yung katawan, ‘yung bangkay no’ng pinatay ninyo kung saan man ninyo ito tinago, saan ninyo inilibing, para mabigyan ng magandang libing ang ating mga mahal sa buhay.
So, you can run. You can run, but definitely, you cannot hide from the long arm of the law. Mahuhuli at mahuhuli kayo. Sa laki ng krimen na ginawa ninyo, (31) na tao itong nawawala, hindi pu-pwedeng walang magde-demonyo sa inyo dahil kayo’y mga demonyo na dati. De-demonyohin kayo ng mga kasama ninyo at ito’y siguradong lalabas. Lalabas ang katotohanan. Kaya sana, ‘yun lang ang appeal ko sa inyo, kung may buhay pa, i-release na ninyo para makabalik sa kanilang pamilya.
At doon naman sa investigating agencies, particularly the PNP, (31) missing persons is too huge a number, at kahit isa man lang na kaso, parang wala pa tayong nakitang naresolba. Alam ko meron kayong progress sa inyong investigation, ‘yun nga lang, I cannot completely blame you dahil ang pagkakaalam ko, no’ng sumabog itong kaso na ito, dito lang napagbigyan ng pansin itong kino-consider natin na case number one, ‘yung nawawala ‘yung January 13. Then, afterwards, nagba-backtrack na kayo saka niyo na nalaman na gano’n na pala kadami ang nawawalang tao sa e-sabong.
So, I’m urging you to please double time your effort dahil baka may ma-recover pa tayong buhay dito. At alam po ninyo, sana huwag kayong manghina sa investigation ninyo. Huwag kayong matakot kung sino mang mababangga ninyo, kung may mabangga kayong malalaking tao, influential na tao, kagaya no’ng ginawa natin sa war on drugs, kahit sino binabangga natin. Huwag kayong matakot. Gawin niyo ‘yung trabaho niyo para sa ating mga kababayan. Sana hindi tayo aabot sa punto na noon, kinatakutan na ng pulis ‘yung mga drug lord. No’ng nawala ‘yung mga drug lord, baka ang kinatakutan nanaman ngayon ay mga gambling lord. Sana hindi mangyari ‘yan. At alam kong hindi kayo papayag na gano’n, because kayo ang Philippine National Police. Walang makakaharang sa ginagawa ninyo. Kaya double time your effort, bilisan niyo ang trabaho ninyo dahil ang buong bansa ay nakatingin sa inyong ginagawa na sana mabigyan ito ng solusyon.
Doon naman sa mga relatives ng mga biktima, mga mahal sa buhay, ako po’y nakikiusap sa inyo na huwag kayong matakot na mag-share sa amin ng impormasyon leading towards the resolution of this case. Sana, kung meron kayong tinatago diyan na impormasyon, i-share na ninyo sa committee na ito para makatulong ‘yan sa imbestigasyon. Huwag po kayong matakot, nandiyan ‘yung PNP to protect you. Hindi kayo pababayaan niyan. Huwag kayong matakot, kahit sinong babanggain niyang PNP, hindi ‘yan sila aatras.
At doon naman sa ating mga kababayang ngayo’y nakikinig, I would like to advise you na bantayan ninyo ang mga mahal ninyo sa buhay dahil grabe nga itong adiksyon na nagagawa ng e-sabong. Ang e-sabong ngayon ay hindi kagaya sa traditional na sabong na kung saan nagkakaroon lang tayo ng sabong tuwing Linggo, tuwing official holidays, or tuwing may fiesta. Ang e-sabong po ay 24/7. At the comfort of your bedroom, makakasabong ka. Makakapanalo ka or matatalo ka. Isang pindot lang ng cellphone through G-Cash and Paymaya, ‘yun na. Voila! Panalo ka na or talo ka na. Kaya hindi mo alam, sa kakasabong mo, nalibing ka na pala sa problema, ang laki na ng utang mo dahil nga nandoon ka na nakahiga ka na sa higaan mo. At ang masama pa dito, ‘yung mga, may mga bata pa na nai-involve sa e-sabong na hindi naman dapat dahil, online ito, hindi nakikita kung sino ‘yung nagbe-bet physically kaya hindi natin malalaman kaya tanggap lang ng tanggap ng pusta. At merong mga instances na alam natin may mga bata na nagpakamatay dahil dito.
Merong mga pulis mismo na involved sa krimen, nagnanakaw. Doon, galing ako kahapon doon sa Oriental Mindoro, may isang pulis doon na nahuli na pumasok sa hardware nagnakaw. At no’ng tinanong ng Chief-of-Police, “Bakit ka nagnakaw, kalaki ng sweldo ng pulis?” [Ang sabi] “Sir nalulong po ako dito sa e-sabong, sir. Hindi na ako makabangon kaya nagnakaw na ako.” At meron pang nang-holdup na pulis dahil dito. So… 7-11, sir, ‘di ba? So isipin ninyo, ‘yung pulis na napakalaki ang sweldo, sila ‘yung awtoridad, nakagawa ng krimen dahil sa pagkalulong sa e-sabong dahil sa adiksyon sa e-sabong, how much more ‘yung ordinaryong tao na walang stable job? So ito’y dapat nating pagtuunan ng pansin talaga kung paano natin ma-address ‘yung adiksyon ng e-sabong.
And itong pagdinig na ito, ang purpose naman talaga nito is kung ma-recover pa natin ‘yung mga tao na nawawala at matukoy natin kung sino ang mga salarin, of course, through the efforts of our law enforcement agency, ipe-pressure natin sila na gawin nila ‘yung kanilang sinumpaang tungkulin.
At pangalawa, in aid of legislation, na talagang dapat bigyan ng katuunang strict regulation itong e-sabong. As I have said, addictive ito at it costs so many social ills. So dapat maaksyunan ito ng ating gobyerno. ‘Yon lang po. Maraming salamat, at sana po at the end of this hearing, magkakaroon tayo ng linaw sa problemang ito at alam kong hindi natin matapos ito. Magsi-schedule pa tayo ng another hearing dahil ‘yung gusto kong mga resource person na didikdikin ng tanong ay wala dito. So sana next hearing mag-appear sila, para lalabas ang katotohanan.
‘Yon lang po. Maraming salamat at magandang umaga sa ating lahat.
World News
Mine Crypto. Earn $GOATS while it is free! Click Here!!